17 October 2007
Chess
Ang Ahedres ay isang laro kung saan may dalawang manlalarong nagpapatagisan ng katalinuhan sa pamamagitan ng paggalaw ng mga piyesang nakapatong sa isang chequered board. Nilalayon ng larong ito na talunin ang kalaban sa pamamagitan ng pagbitag sa kalabang Hari.
Sinasabing ang larong ito ay nilalaro lamang ng mga mayayaman noong panahong medieval; na ang mga maaaring makapaglaro lamang nito ay ang mga matatalino at maabilidad. Sa ating kapanahunan, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at paglaganap ng liberalismo, lahat ay pwede nang makapaglaro nito. Lahat ay may karapatang makapaglaro nito, at lahat ay may pag-asang manalo sa larong ito.
Sinasabing ang larong ito ay nilalaro lamang ng mga mayayaman noong panahong medieval; na ang mga maaaring makapaglaro lamang nito ay ang mga matatalino at maabilidad. Sa ating kapanahunan, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at paglaganap ng liberalismo, lahat ay pwede nang makapaglaro nito. Lahat ay may karapatang makapaglaro nito, at lahat ay may pag-asang manalo sa larong ito.
Isang martes, napagdesisyunan kong sumama sa aking mga kaklase sa kanilang community service, dahil na rin wala akong magawa at tinatamad pa akong umuwi. Tinahak namin ang Taft Avenue, ang Quezon Boulevard at Espana para makarating lamang sa pagamutan ng natatanging royal at pontipikal na pamantasang Santo Tomas, kung saan naatasang magserbisyo ang aking mga kamag-aral.
Narating namin ang aming destinasyon isang oras matapos ang nakatakdang pagsisismula ng mga aktibidad. Dahil sa laki ng pamantasang ito ay hindi namin naiwasang maligaw at mapagod. Sa kabutihang palad, may mga mabubuting kaluluwang tumulong sa amin at di naglaon ay aming narating ang aming destinasyon: ang charity ward.
Sa aming pagpasok ay nadama ko ang bigat ng loob ng mga pasyenteng nalulugmok sa kanilang mga karamdaman, pati na ang pag-asa ng kanilang mga mahal sa buhay, na walang ibang hinihiling kundi ang gumaling ang kanilang mga minamahal sa mga sakit na kanilang iniinda. Mabigat sa pakiramdam ang paglalakad sa gusaling iyon, na sinabayan pa ng mga makulimlim na ilaw na tila pinaglumaan na ng panahon.
Alam ko nung una pa lang ang aking kakaharapin sa hapong iyon: ang mag-alaga at magpasaya ng isang pasyenteng may cancer. Minsan na rin akong nawalan ng kamag-anak sa isinumpang karamdaman, kaya alam ko kung paanong hirap ang pinagdadaanan ng mga bata. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na sumama.
Nang kami ay makarating sa palapag ng naatasang ward ay agad kaming inatasan ng Head nurse sa aming mga takda. Napahiwalay ako sa aking mga kasama. Naitalaga ako sa isang batang lalaki na kakapasok lang sa ward.
Tahimik lang siya habang kami ay naglalakad patungo sa kanyang tambayan. Hindi maitatangi na siya ay naiilang sa akin. Habang kami ay naglalakad, napansin ko ang isang malaking pasa sa kanyang braso, isang indikasyon ng kanyang malubhang sakit. Nangilid ang luha ko sa aking nakita. Hindi ko inaasahang ganun ang kanyang sakit. Hindi ko maisip ang hirap na dinadanas ng walang kamuwang-muwang na bata na tangan tangan ko.
Tinanong ko siya tungkol sa ilang mga bagay: ang kanyang pangalan, ang kanyang gulang, ang kanyang paboritong kulay, ang kanyang paboritong pagkainn at ang kanyang paboritong laro. Doon ko nalaman na mahilig pala siyang maglaro ng ahedres. Naglalaro siya nito kapag wala siyang magawa, kapag nariyan ang kanyang kuya, at kapag malapit na siyang bigyan ng gamot. Kaya naman nang makarating kami ng tambayan ay walang atubili nyang inayos ang board upang hamunin ako ng isang round.
Magaling siyang maglaro ng ahedres. Alam nya ang mga tamang galaw at stratehiya upang ako'y talunin. Ngunit dahil na rin sa bata siya, sinadya kong gawing malamya ang aking mga tira, para na rin manalo siya. Pero nagulat ako sa aking narinig mula sa kanya. Sa kalagitnaan ng aming laro ay walang anumang sinabihan niya ako na "kuya, wag mong ipatalo ang laban. Kalabanin mo ako ng maayos." Pagkarinig ko sa kanyang mga sinambit ay walang anupamang sineryoso ko ang laro. Di naglaon, ay nanalo ako.
Ngunit hindi doon natapos ang aming duelo. Naghamon uli siya ng isa pang laban, na kung saan ay ako muli ang nanalo.
Lumipas ang oras at kinailangan na naming magpaalam. Kahit nais ko pang manatili ng konti pang sandali ay hindi na maaari dahil oras na rin ng kanyang panggagamot. Hinatid ko na siya pabalik sa kanyang higaan para naman makapagpahinga siya bago siya bigyan ng lunas.
Nilisan ko ang pagamutan na may halu-halong damdamin. Gusto kong maiyak sa awa dahil alam kong hirap na siya sa kanyang kalagayan. Ngunit may naramdaman din akong kasiyahan sa aking puso, dahil nakita kong hindi siya sumuko sa laban sa aming duelo. Naniniwala ako na balang araw ay makakamit rin niya ang tagumpay sa bawat laban ng ahedres; na balang araw, maipapanalo niya rin ang kanyang laban para sa kanyang buhay.
Labels: nosebleed.
06 October 2007
Desktop
I don't know what to blog. My brain's running out of stocks of creative juices again, that's why I am silent again these past few days. But here goes Karla, who saved my blog from doom with this tag. Thanks Karla! :D
So here it is. My desktop. It kinda reflects my personality. Haha.

And now I'm gonna tag.. Jhed,Cars and Vinch.
Desktop Free View Instruction:
A.Upon receiving this tag, immediately perform a screen capture of your desktop. It is best that no icons be deleted before the screen capture so as to add to the element of fun. You can do a screen capture by:
[1] Going to your desktop and pressing the Print Screen key (located on the right side of the F12 key).
[2] Open a graphics program (like Picture Manager, Paint, or Photoshop) and do a Paste (CTRL + V).
[3] If you wish, you can “edit” the image, before saving it.
B. Post the picture in your blog. You can also give a short explanation on the look of your desktop just below it if you want. You can explain why you preferred such look or why is it full of Icons, things like that.
C. Tag five of your friends and ask them to give you a Free View of their desktop as well.
Labels: Tag-o-ramma