11 July 2007

Fides

I'm sorry for the unannounced hiatus. I was really busy this past few days, and it seems that due to the bombardment of stressful paperworks and assignments, I lost my creative juices. But now, yeah, I'm back here with a new post.

I've been busy with my Philhis class, a subject which requires us to read and research so many stuff regarding about the detailed bits of Philippine history. History is known to be boring, therefore this class is boring. In fact, sa sobrang boring nito ay marami na akong classmates na na-D.O. dahil nahuhuling natutulog. Usually, if I'm in this class, I'll just spend most of my time talking to a random seatmate. Wala lang, just to avoid getting bored and earning a trip to the
Discipline Office.

One time, nakikipagdaldalan ako sa isang seatmate. Sobrang dami naming napagusapan. From sports to books, lahat. Kung anu-ano kasi pinagsasasabi nun kaya humaba ang conversation namin ng ganun. Tapos ang hilig hilig pang magjoke, korny naman. Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa sa korny nyang joke nang bigla nya akong tanungin ng:

"Jed, anong relihiyon mo? "

Pakshet. Sa lahat naman ng tatanungin, religion pa. Isa ang religion sa pinakaayaw kong topic, aside from math.

Napaisip ako sa tanong nya. Ano nga ba ang relihiyon ko? Or, better yet, ano nga ba ang paniniwala ko regarding my religion?

I am born as a Catholic. It was a legacy given to me by my parents. Wala akong choice dun eh. But by practice, I think hindi ako matatawag na katoliko. Hindi ako nagdadasal, hindi ako nagpupunta sa simbahan linggo-linggo, hindi ako nagbabasa ng bibliya. I'm even skeptical about him. Maraming dahilan kung bakit ako ganito sa relihiyong nakagisnan ko. Marami akong nakitang mali sa simbahang Romano Katoliko na talaga namang makakasira sa paniniwala ng isang tao. But may side sa akin na nagsasabi na baka naman totoo na may Diyos, isang diyos na malayong malayo sa mga pulitikal na diyos.

Ewan ko, magulo. It's too complicated. Kaya nga ayaw kong pagusapan.

Nainis ako. Sa inis ko, nasagot ko na lang sa kanya

"Ewan ko. Di ko alam. Bahala na si Batman."

At dun na natapos ang usapan namin. Nahuli kasi kami ng prof namin. Sobrang ingay na pala namin. Kaya ayun. Trip to the Discipline Office. Great.

Lecheng religion yan.

Labels:

nerdified at 7:40 PM

The Nerd

  • The name's Jed.
    Certified Nerd.
    Psycho(pathic) Student.
    proud Green Archer.
    loves Cello's donuts.
    also loves Krispy Kreme.
    frequent LRT1 passenger.
    loves GREEN.
    loves BLUE too.


Archives

  • September 2008
  • May 2008
  • April 2008
  • February 2008
  • October 2007
  • September 2007
  • August 2007
  • July 2007
  • June 2007
  • May 2007




Clock





Widget



Credits

    Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com