07 September 2008

Random random.

Tapos na ang nakakastress na 1st term. Ewan ko ba kung bakit, pero nakakastress talaga ang term na ito. Siguro dahil sa pahirap na pesteng organic chemistry na yan, o dahil sa oc na psychopathic statistics prof ko, o dahil sa sandamakmak na papers sa psych majors ko. Sa sobrang stress, di nga ako halos makapanood ng uaap games, at hindi ako nakakapag-update ng blog (halata ba?). Pero looking back, parang ang bilis din ng term na ito. Ang bilis ng panahon. Ilang terms na lang, graduate na ako. Grabe. Ang bilis.

Speaking of terms, start na ng 2nd term sa wednesday. Another enrollment nanaman, another gastos, another subject adjustment. Magkikita nanaman kami nung masungit na babaeng academic assistant sa CLA office para mag-ayos ng schedule ng subjects. Pila nanaman ng mahaba, bayad nanaman ng adjustment fee. Same old routine, new term.

Nanood ako kanina ng UAAP cheer dance. I was hoping na mas maganda ang ipapakitang routine ng alma mater ko. Syempre excited ako kasi matagal nang usap-usapan na maganda raw ang ipapakita ng pep squad namin. Pero ayun, nabitin ako sa routine nila kanina. Disappointed, even. Pero at least, may improvement. Yun nga lang, konti lang. Congrats nga pala sa mga nanalong koponan na FEU, UST at UP.

Nanganak uli ang alaga kong hamster. Tatlong maliliit at makikislot na daga ang kanyang iniluwal. Sana naman this time, wag na nyang kainin yung mga anak nya. Sana naman this time may mabuhay na sa mga anak nya.

Di pa pala uuwi ang tita ko from Saudi. Sana naman makauwi sya bago man lang ako grumaduate from college.

So there, i'll try to update my blog as much as I can. So there, stay tuned.



I heart jjampong. :D

nerdified at 5:42 PM

The Nerd

  • The name's Jed.
    Certified Nerd.
    Psycho(pathic) Student.
    proud Green Archer.
    loves Cello's donuts.
    also loves Krispy Kreme.
    frequent LRT1 passenger.
    loves GREEN.
    loves BLUE too.


Archives





Clock





Widget



Credits

    Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com